The waves have crashed down at
Thursday, February 16, 2006
8:27 PM
ewan ko ba kung bakit ko naisipan gumawa ng bagong entry. pinalipas ko muna siguro ang valentine hype bago ako bumwelo. first of all, nalungkot ako ng valentine's kasi wala akong bulaklak. osige osige mababaw siya. i mean oo sige single rin naman ako noong nakaraang 364 days ng taon pero pag valentine's kasi parang nakahighlight na all caps with blinking neon lights na single ka at... parang walang nakakakita sayo maliban sa mga kaibigan at kapamilya. shetness.. dagdag mo pa ang kabwisitang nadarama ko noong ipaharana ni toot si toot. aba. sobrang sakit. para bang harapan akong sinasampal ampucha. di siya nakakatuwa. sabi ko nga kay kuya eto na ata ang karma ko sa ginawa ko dati. dalawang balik pa! bastusan talaga. ewan ko. di ko naman masasabing mahal ko siya pero di ko rin naman masasabing gusto ko lang siya. para bang nasa "gray area" ako ngayon. sakto lang ika nga. tangina. naubusan na pala ako ng emoness sa katawan. ikaw musta naman valentine's mo?