<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/18492592?origin\x3dhttp://flipflopsandsketchpads.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>


* sun *



known as hazel, haze, wes, zelly.. mushy weirdo.. frustrated drummer.. mall freak.. split personality.. bs psychology student.. digs anything blue, black, silver, white, purple and yellow..

* sand *

beach
fruitshakes
milkshakes
music
freebies
ym
bading barkada and boy bakat
trucker cap crew
scramble girls
amazing friends of mr. biggles

* surf *


Zelly's friendster
Zelly's Multiply
AFOMB's friendster
[S]Clonee Scramble
[S]Diane
[S]Ross
Lil Bro Teeeds
Nashed Potato
Ernie Scramble
[S]amahan
Munchkin
Bea
Ket
Trina
Cuzin RJ
Achi Monique
blogger
blogskins
designed by ; * Mysteriaa -

* yesterday's sunrise *

`November 2005

`December 2005

`January 2006

`February 2006

`March 2006

`April 2006

`May 2006

`June 2006

`July 2006

`August 2006

`January 2007

adopt your own virtual pet!


feminism and sentimentality *

The waves have crashed down at
Saturday, April 15, 2006
10:55 PM

wala lang. kakauwi ko lang kasi galing glorietta ngayong black saturday. anyway, nagulat nga ako na bukas ang mall at maraming tao despite the occasion today. or so it is. nanood ako ng submerge at tristan and isolde kanina. wala akong insights tungkol sa submerge. maduga lang talaga na si steven seagal ay parang isang superhero. takte. isipin mo mga lima lang sila tas isang batalyon + isang higanteng tangke ang kalaban nila. wala siya ni isang galos sa katawan. napakapeke talaga ng mga action movies.

tristan and isolde naman. naisip ko lang. ala king arthur and the knights of the round table naman ang kwento nito. si tristan si lancelot, ang magiting na mandirigma ni marke, ang king arthur doon. si isolde naman si queen guenevere. [tama ba ang spelling?] ang twist nga lang si isolde anak siya ng isang hari na laging binubully ang kingdom nila tristan. so parang romeo and juliet din siya. naisip ko lang na hanggang ngayon e laganap parin ang ganitong sitwasyon. ang mga babae kahit kelan nalang e laging commodity, hindi tao. nakakabwisit pero nararanasan parin ito hanggang ngayon. aba e putangina. hanggang ngayon kelan ba maiisip ng buong mundo na ang bawat nilalang ngayon ay galing sa isang babae na marahil ay nagbuwis ng kanyang buhay upang bawat tayo ay mabuhay? galing tayo sa isang nanay pero naisip ba natin kung gaano kahalaga ang aking kasarian? minamaliit ang mga babae. tingnan mo nalang. sa pagmumura, sino ang mas tunog panget, ang bastard o ang bitch? e ang putang ina. diba? madaya! bakit ang lalake pag may gustong babae pwede niyang lapitan e bat ang babae di pwede manligaw? parepareho lang naman tayong mga tao na marunong magmahal so bakit di natin matuwid yan? di naman ako in love pero nakakainis lang talaga na may mga bagay na di pwedeng gawin "kasi babae ka". takte. e ano naman ngayong kung lalake ka o babae? parepareho lang naman tayong umiiyak, dumudugo, humihinga. di naman hayop ang mga babae so naisip ko, ang mamalas naman ng mga babaeng nabubuhay noong middle ages. kelangan nila sundin ang utos ng kanilang ama. di nila maaaring piliin ang kanilang magiging asawa. makikipagtalik sila sa isang lalakeng di naman nagmamay-ari ng puso nila. ang hirap siguro ng ganun. eto pa. bakit bihira ka lang makakita ng babaeng mandirigma? sigurado ako meron namang mga babaeng kaya makipagbakbakan kaso bat di nila nirerecognize sa mga pelikula? kung ginagawa man nila ay sobrang bihira lang. shet. naisip ko tuloy, kelan kaya ang pagsikat ng araw na wala ng gender discrimination ang pandaigdigang lipunan? hay.. sana kasi buksan ng mga tao ang kanilang isip. walang kaso dapat kung babae ka o lalake sa anumang aspeto pero wag natin kalimutan ang chivalry. medyo malabo ata sinabi ko. angal ka?

i jump to another topic. kaninang hinihintay ko si mara at tejero sa food choices, nakikinig ako ng one tree hill soundtrack. siyempre ang paborito kong this is for keeps ng spill canvas ang tumutugtog. aba aba aba. andun kasi ako sa so-called "lait table" ng food choices. alam niyo naman siguro yung mga tables na yun. sila yung mga nakaharap sa escalator. isa siyang lugar na pang-spot at panglait ng mga taong umaakyat patungo o bumababa galing g4 cinemas. anyway, may isang babaeng payat at chinita na naka-agaw ng aking pansin. napatingin ako sa kasama niya. anak ng tinapa. it's none other than... [hulaan mo kung sino]. kung close tayo, malalaman mo na huli kaming nagkita noong tinulungan ako ni kee at kuya dito sa bahay. a basta yun. shiet. di ko alam kung bakit bumilis ang pagtibok ng puso ko. parang kinakabahan ako na ewan. ang alam ko lang ay di ako mapakali. after a while, tumayo ulit ako at pumunta sa parte ng g4 3rd floor sa may magazine stand sa gitna ng daanan sa tapat ng isang electronics at asian furniture store. di ko alam kung dapat ba ay nilapitan ko siya o hindi. ewan ko pero bigla nalang ako nalungkot at umasang sana bumalik siya doon upang aking makita ulit. sa kasawiang palad, di ko na siya nakita ulit. bakit ko pa siya iniisip? akala ko tapos na ako sa mga ganitong bagay? bakit? nakakapagpabagabag ito ng damdamin. magkikita pa kaya kami ng landas? aba ewan ko. sana hindi para tuluyan ko na siyang maibaon sa limot. isang taon.. isang taon ko tiniis.. at napunta sa wala. sana di ko na siya makita ulit.

emo mode nanaman ako leche. ay. hindi pala emo. senti mode. di naman ako suicidal ngayon dahil sa pagibig e. di ako emo. senti lang talaga.

p.s. naalala ko lang ngayon ngayon.. may scene kasi sa tristan and isolde na kung saan nahuli silang nakikipagkita sa isat isa sa isang liblib na lugar sa kagubatan. sabi nung tatay ni isolde kay marke na parang ginawa nilang "whore" ang kanyang anak sa pamamamagitan ng pagpasa nito kay isolde sa kanyang tinyente na si tristan. di ba nila naisip na ang pagtrato sa mga babae bilang premyo ay prostitusyon na mismo? wala lang.